Posts

Estraktura ng Sistemang Manor

              Ang manoryalismo ay naging posible dahil sa naging ugnayan ng may-ari ng lupa at ng mga taong nagtatrabaho sa lupain, na tinatawag na mga magsasaka. Karamihan sa mga magsasaka, na tinatawag ding mga “serfs”, ay hindi nagmamay-ari ng anumang lupain. Nananatili sila sa mga manor na hawak ng panginoong maylupa. Ang mga “serf” ay may tungkulin na magbayad sa mga panginoon dahil sa kanilang paninirahan sa kanilang lupain. Ang karaniwang pamamaraan ng pagbabayad ay ang paggawa.      Ang mga “serf” ay mag-aararo sa lupa na pagmamay-ari ng mga panginoon at titiyakin nila na mayroon silang magandang ani. Gayunpaman, ang mga ibang uri ng pagbabayad ay tinatanggap din ng panginoon tulad ng direktang pagbabayad o aktwal na pera. Ngunit ang iba ay malugod na pumapayag na magserbisyo na lamang kaysa sa iba pang mga paraan ng pagbabayad. Ang Tatlong Uri ng Magsasaka/Magbubukid 1. Alipin     Ang sistema ng alipin ay nakasalalay sa isang komplikadong obligasyon, ang
Recent posts