Skip to main content

Estraktura ng Sistemang Manor


   
 
   
    Ang manoryalismo ay naging posible dahil sa naging ugnayan ng may-ari ng lupa at ng mga taong nagtatrabaho sa lupain, na tinatawag na mga magsasaka. Karamihan sa mga magsasaka, na tinatawag ding mga “serfs”, ay hindi nagmamay-ari ng anumang lupain. Nananatili sila sa mga manor na hawak ng panginoong maylupa. Ang mga “serf” ay may tungkulin na magbayad sa mga panginoon dahil sa kanilang paninirahan sa kanilang lupain. Ang karaniwang pamamaraan ng pagbabayad ay ang paggawa.

     Ang mga “serf” ay mag-aararo sa lupa na pagmamay-ari ng mga panginoon at titiyakin nila na mayroon silang magandang ani. Gayunpaman, ang mga ibang uri ng pagbabayad ay tinatanggap din ng panginoon tulad ng direktang pagbabayad o aktwal na pera. Ngunit ang iba ay malugod na pumapayag na magserbisyo na lamang kaysa sa iba pang mga paraan ng pagbabayad.

Ang Tatlong Uri ng Magsasaka/Magbubukid

1. Alipin
   Ang sistema ng alipin ay nakasalalay sa isang komplikadong obligasyon, ang pagbabayad sa pamamagitan ng paggawa. Sila ang mga uri ng magsasaka na maaaring ipagbili at bilhin. Wala silang pag-aari at isinangla sa kanilang lokal na panginoon. Nagtatrabaho sila ng mahahabang araw, anim na araw sa isang lingo, at kadalasang hindi na nakakakain ng sapat na pagkain para mabuhay. Nakatira sila sa isang dampa at pinagbabawalang mangaso o mangisda dahil sa pag-aari ito ng kanilang panginoon.

 

2. Serf
   Sila ang mga magsasaka na nasa kalagayan ng pagkaalipin, na kinakailangang magserbisyo sa isang panginoon. Karaniwang ibinibigay nila ang bahagi ng kanilang ani sa panginoon bilang upa sa lupaing kanilang tinamnan. Sila naman ang uri ng magsasaka na hindi maaaring umalis o paalisin sa manor. Nagsasaka sila ng walang kabayaran ngunit ang kapalit nito ay ang proteksyon na nanggagaling sa mga kabalyero ng kanilang mga panginoon.




3. Freeman
   Sila ang mga magsasakang may ganap na karapatan bilang isang mamamayan. Sila ang mga uri ng magsasaka na pinalaya ng kanilang mga panginoon sa pagkaalipin. Isang dahilan kung bakit sila nakulong ay dahil sa hindi pagbabayad. Sila ay kadalasang may sariling lupain. Maliit lamang ang kanilang binubuo na pangkat.



Repleksyon


Comments